Kapag gumagamit ka ng browser, tulad ng Chrome, nagse-save ito ng ilang impormasyon mula sa mga website sa cache at cookies nito. Kapag na-clear ang mga iyon, maaayos ang ilang partikular na problema tulad ng mga isyu sa pag-load o pag-format sa mga site.
Sa Chrome
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa
I-delete ang data mula sa pag-browse.
- Pumili ng saklaw na panahon, tulad ng Nakaraang oras o Lahat ng oras.
- Piliin ang mga uri ng impormasyong gusto mong alisin.
- I-click ang I-delete ang data.
- Kung magde-delete ka ng cookies habang naka-sign in sa Chrome, ire-refresh ng Chrome ang cookies ng Google na nagpapanatili sa iyong naka-sign in. Nangyayari ito para patuloy na gumana ang Chrome gaya ng inaasahan mo. Para mag-delete ng cookies ng Google, mag-sign out muna sa Chrome.
Mga Tip:
- Para mag-sign out sa iyong Google Account sa lahat ng website, mag-sign out sa Chrome.
-
Sa address bar, para mabilis na mapuntahan ang dialog na I-delete ang data mula sa pag-browse, i-type ang “I-delete ang data mula sa pag-browse” at pagkatapos, i-tap ang Action chip. Alamin ang Mga Aksyon sa Chrome para mabilis na matapos ang mga gawain.
Alamin kung paano magbago ng higit pang setting ng cookie sa Chrome. Halimbawa, puwede kang mag-delete ng cookies para sa isang partikular na site.
Sa iba pang browser
Kung gumagamit ka ng Safari, Firefox, o ibang browser, suriin ang site ng suporta nito para sa mga tagubilin.
Ano ang mangyayari pagkatapos mong i-clear ang impormasyong ito
Pagkatapos mong i-clear ang cache at cookies:
- Made-delete ang ilang setting sa mga site. Halimbawa, kung naka-sign in ka, kakailanganin mong mag-sign in ulit.
- Kung io-on mo ang pag-sync sa Chrome, mananatili kang naka-sign in sa Google Account kung saan ka nagsi-sync para ma-delete ang iyong data sa lahat ng device mo.
- Posibleng magmukhang mas mabagal ang ilang site dahil kakailanganing mag-load ulit ng content, tulad ng mga larawan.
Paano gumagana ang cache at cookies
- Ang cookies ay mga file na ginagawa ng mga site na binibisita mo. Mas pinapadali nito ang iyong online na karanasan sa pamamagitan ng pag-save ng data mula sa pag-browse.
- Tinatandaan ng cache ang mga bahagi ng mga page, tulad ng mga larawan, para makatulong na mabuksan ang mga iyon nang mas mabilis sa susunod mong pagbisita.